Uy Kumusta na?

Naalala mo pa ba ako? Ako yung lalakeng iniwan mo. Ako yung taong nagulat nalang dahil bigla kang nagbago. Nag-iba ang ihip ng hangi dahi lamang sa isang munting pagtatalo. 

Biruin mo, sa pagka makakalimutin kong ito, naalala ko. Na-alala ko na, sa araw na ito. Anim na taon na ang nakalipas nung huli tayong mag usap. 

Nagalit ka, nagalit ako at may mga salitang binitawan ang isat isa na hindi na natin mababawi pa.

Hindi ko alam kung kasalanan ko ba ang nangyari o dahil lamang sa pagiging isip bata kaya di na ako nag pursige na kausapin kapa.

May mga pinag sisihan ako pero, huli na ang lahat. Nangyari na ang nangyari. Nasabi ko na ang dapat sabihin. Nasaktan na kita, napaiyak mo rin ako. 

Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa iyo. Wala na rin ako balita sa kalagayan mo. Pero sana, masaya ka. Yun naman ang gusto ko para sa iyo. Hangad ko ay maligaya ka, kahit sa piling ng iba.

Dismayado ako at nagsisisi. Dismayado ako ang naging dahilan ng pag luha mo at nag sisisi ako dahil hindi ko natupad ang sinabi ko na hindi kita paiiyakin.

Limang taon din tayong nag asaran, nag biruan, at nag mahalan. Hindi ko masasabing nasayang ang mga panahon na iyon dahil yun ang panahon na naging masya ako. Na miss ko rin yung mga oras na magpapa miscol ka at sasabihan mo ako na tawagan ka dahil isang araw mo nang hindi naririnig ang boses ko.

Na miss ko rin yung mga araw na pinaplano na natin ang kinabukasan. Ang sarap isipin ng mga alala na iyon pero hanggang ganun nalang sila. Hanggang ala-ala na lamang.

Sa totoo lang, napapagod na akong maging mag isa. Minsan ayos lang ang maging mag isa dahil may kalayaan ka gawin ang lahat ng gusto mo gawin. Pero nagiging madalas nang nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa pag iisa ko.

Kung sakali man na mabasa mo ito, at nakita mo ang pangalan ko. Alam mo na siguro na tungkol sayo ito.

Limang taon din tayo nagkakilala at anim na taon na simula nung huli tayong nag usap.

Gusto ko lang sana magpaalam sa iyo at salamat sa lahat ng ala-ala na binigay mo. 

Hanggang sa muli.

The power of failure

Whenever we face failure, why do we always feel despair? Is that a natural thing? If it’s a natural thing, why do we accept something like that?

Is it because most people were raised that way? Is that the fault of the parents? I personally think it’s our own fault if we feel despair whenever we fail. I think it’s not society’s fault or our community’s fault if we felt despair. It’s a mindset that we have.

failure should never be a bad thing unless it’s a life or death situation, a situation that if you fail, someone loses their life, then you’re screwed.

But even then, even if someone loses their life if you failed, that should still be a learning experience. I think doctor’s do that, it’s not ideal but it happens and because it happens more often, they learn from their failure and make everyone else successful.

Crap! I think I lost my train of thought.. I’m just gonna publish this shit and return later if I remember it.